Pinintahan ng iba-ibang disenyo ng mga estudyante mula sa Pedro Poveda College Batch 2024 ang mga bench at table sa Quezon Memorial Circle. Bahagi ito ng kanilang Pre-Prom Activity kung saan napili nilang magsagawa ng socio-civic art expression.

Layon ng aktibidad na ito na itaas ang kamalayan at itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan , sustainability, biodiversity, inclusivity, at youth empowerment.

Dinalaw rin ang mga estudyante ni Mayor Joy Belmonte, na isa ring alumna ng Saint Pedro Poveda College.