Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsimula na ang masayang selebrasyon ng pagkakaisa at demokrasya sa People Power @ 40 Kick-Off Concert!
Back-to-back performance ang ipinamalas nina Madeline, Chloe Redondo, Stonefree, Jkris Dantes, Crazy as Pinoy, TSN Drag, Mz. Chronicles, at Hey Moonshine.
Mayroon ding POP QC bazaar tampok ang mga produkto ng ating local entrepreneurs.
Nakaantabay ang mga kawani ng lokal na pamahalaan para tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng programa.
QCitizens, free admission ang concert na ito, kaya habol na sa Quezon Memorial Circle!








