Kinilala ang People’s Council of Quezon City sa ginanap na National CSO Conference 2024 para sa kontribusyon nito sa people’s participation ng lungsod.
Kabilang sa mga priority programs at 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte ang paigtingin ang pakikilahok at pagbibigay ng boses sa bawat sektor sa QC.
Siniguro nina Mayor Joy at Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz na mananatili ang aktibong partisipasyon ng mga civil society organizations sa pagbuo ng mga programa para sa QCitizens.