District 6

Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga QCitizens ng Distrito Sais kasama si District Action Officer Atty. Mark Aldave para sa People’s Day kahapon.

Nakipagpulong ang alkalde sa iba-ibang organisasyon upang pakinggan ang kanilang mga concern na agad ding binigyan ng solusyon.

Pinangunahan din ni Mayor Joy ang Oath-taking ceremony ng mga bagong opisyal ng sumusunod na mga organisasyon:

-Balonbato Organization of Differently-abled Person

-General Tandang Sora Senior (Barangay Sangandaan)

-Banana Island 2 Homeowners Association (Barangay Baesa)

-Cano Concerned Youth Organization

-Galgera Drive Ladies Chapter

-Cano Concerned Senior Citizen

-Samahan ng Bagong Pag-asa (Barangay Talipapa)

Kinilala din ang mga grupo na nag-volunteer noong kasagsagan ng Super typhoon Karding; AKRHO Pantranco, Eagle Squad Volunteerism Movement, Quirino Boys, at WAGU Group. Maraming salamat po sa inyong tulong para manatiling ligtas ang ating QCitizens!


District 3

Para sa kanyang Araw ng mga Mamamayan, kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga residente mula sa District 3 at pinakinggan ang kanilang mga hinaing.

Binigyang solusyon ito ng alkalde kasama si District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro. Kasama sa mga dumulog sa alkalde sina Kap. Teodulo Santos ng Barangay Socorro at Kap. Marciano Buena Agua ng Barangay E. Rodriguez. Kasabay nito, nagsilbing inducting officer din si Mayor Joy sa panunumpa ng Fort Aguinaldo Elementary School GPTA Officers at Samahan ng Daantubo Barangay Loyola Heights.