Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang mga mag-aaral na nagwagi ng Bronze Medal sa ginanap na World Robot Olympiad 2022 sa Dortmund, Germany na ginanap noong November 17-19, 2022.
Limang mag-aaral mula sa Betty Go-Belmonte Elementary School at Project 6 Elementary School robotics team ang nagkamit ng bronze score ranking sa Robo Mission Category at Future Innovators Category.
Buo naman ang suporta ng pamahalaang lungsod sa mga mag-aaral at kanilang coaches na nagbigay ng karangalan para sa Lungsod Quezon.
Tunay na hindi matatawaran ang husay at galing ng mga kabataang QC!