Nakaposisyon na ang mga search and rescue equipment at vehicles ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office sakaling manalasa ang Super Typhoon #PepitoPH sa Lungsod Quezon.
Handa na rin ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan upang umalalay sa QCitizens at mga maaapektuhang lugar sa QC.
Kasalukuyang nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong Metro Manila.
Sa mga nais humingi ng tulong maaring tumawag sa QC Hotline 122.