CONGRATS, PDL GRADUATES! ![]()
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa graduation ceremony ng 24 women Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa QC Jail Female Dormitory (QCJFD) na nakapagtapos ng kursong BS Entrepreneurship sa tulong ng Quezon City University (QCU).
Ayon sa Alkalde, mahalagang hakbang para sa PDLs na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang sitwasyon.
Nais niyang maging inspirasyon sila sa iba na naghahangad ng maayos na buhay.
Ang pag-aaral ng PDLs ay bahagi ng “No Woman Left Behind” program ng lokal na pamahalaan, na layong bigyan ng magandang kinabukasan ang mga kababaihan sa female dorm.
Kasama sa graduation rites sina QCJFD Warden JCINSP. Lourvina Abrazado, JINSP. Concepcion Bacolod, QCU President Dr. Theresita Atienza, Dean Dr. Glenda Rebucas, at QCU Alumni Association President Daryl Panganiban.








