Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa Quezon City ang PESO Association of Metro Manila (PAMM) para sa isang benchmarking activity sa mga best practices at initiatives ng Public Employment Service Office (PESO).
Pinangunahan ni Mr. Rogelio L. Reyes, MCD, QC PESO Manager at Pangulo ng PESO Association of Metro Manila (PAMM), ang benchmarking session tampok ang talakayan tungkol sa departmentalization ng QC PESO, at best practices at innovations ng tanggapan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, higit pang napatatag ang ugnayan at kolaborasyon ng mga PESO sa Metro Manila tungo sa patuloy na pagpapabuti ng mga programa at serbisyong pang-empleyo.










