Matagumpay na pinangunahan ng Quezon City Public Employment Service Office (QCPESO) ang PESO Association of Metro Manila (PAMM) Benchmarking Activity noong Hulyo 13, 2026 sa M.I.C.E. Center, Quezon City, kasama ang mga kinatawan ng iba-ibang Public Employment Service Offices (PESO) sa Metro Manila.
Ibinahagi ng QCPESO ang kanilang mga makabagong digital na inisyatiba at pinakamahusay na mga pamamaraan sa paghahatid ng mga programa at serbisyo upang higit pang mapalakas ang employment services sa rehiyon.
Sa pamamagitan ng palitan ng kaalaman at karanasan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na makakuha ng mga bagong ideya at estratehiya na maaari nilang iangkop upang mapahusay ang kanilang mga programa at mas mapaglingkuran ang kanilang mga komunidad.










