Nagsagawa ng Pet Education Program ang Quezon City Veterinary Department at Animal Kingdom Foundation sa Philippine Science High School na dinaluhan ng 200 mag-aaral.
Layunin ng programa na maituro ang Responsible Pet Ownership at kung paano magiging ligtas ang mga alagang hayop sa rabies. Kasabay nito ay nagkaroon ng anti-rabies drive at spay/neuter sa mga alagang pusa ng paaralan.
Bumida rin sa programa ang mga rescued dog mula sa Quezon City Animal Care and Adoption Center na sumailalim sa pagsasanay at ngayon ay nagsisilbi nang Community Service Dogs.