Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng climate financing para sa mga programang tumutugon sa epekto ng climate change, sa ginanap na Philanthropy Asia Summit 2026 sa Singapore.
Sa “Turning Pledges into Progress: How Investment-Ready Governments Turn Climate Finance into Results” panel discussion, ibinahagi ng alkalde kung paano epektibong ginagamit ng Quezon City ang sarili nitong pondo para sa iba’t ibang climate action initiatives.
Ayon sa alkalde, mahalaga ang direktang climate financing at suporta mula sa external partners upang mas maisakatuparan ng mga lungsod ang kanilang climate goals. Aniya, dapat mapalakas ang access ng mga lokal na pamahalaan sa ganitong suporta dahil ang mga lungsod ang unang nakararanas at tumutugon sa epekto ng climate change.
Kabilang dito ang pagdagdag ng electric buses sa QCity Bus libreng sakay program na nakababawas ng carbon emissions habang nagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa mga QCitizen.
Dagdag pa niya, bukod sa malinaw na plano, mahalaga rin ang maayos na pamamahala upang matiyak na napupunta sa tama at nararapat na proyekto ang pondo.
Kasama ni Mayor Joy sa ginanap na panel discussion sina Woochong Um (CEO, Global Energy Alliance for People and Planet), Zoe Whitton (Board Member, Investor Group on Climate Change), Arghya Sinha Roy (Director, Climate Change, Asian Development Bank), Laurel Blatchford (Director and Senior Partner, Delivery Associate), at Kate Epstein (Head of Government Practice, Delivery Associates) bilang moderator.









