Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang distribusyon ng Philhealth ID cards para sa 490 na mga benepisyaryong QCitizen mula sa Districts 1 at 3.
Katuwang ng Alkalde sa pamamahagi sina COS at Social Services Development Department (SSDD) OIC Rowena Macatao, D1 Action Officer Ollie Belmonte, D3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, at Philhealth Chief Social Insurance Officer Jose Sidfry Panganiban.
Ayon kay Mayor Joy, isa sa mga prayoridad ng Lungsod Quezon ang mabigyan ng pantay-pantay na access ang bawat QCitizen sa dekalidad na healthcare. Target ng QC, sa pamamagitan ng SSDD na makapamahagi ng 22,500 Philhealth ID cards ngayong taon.