Personal na ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang PhilHealth ID card sa mga residente ng District 6 ngayong araw. Maaari ng magamit ito ng mga benepisyaryo sa pagpapakonsulta, health risk screening and assessment, at piling laboratory tests at gamot na reseta sa pamamagitan ng PhilHealth Konsulta Package.
Nakiisa rin sina Ms. Josephine Isorena, Mr. Jose Sidfry Panganiban ng PhilHealth QC, at Kagawad Roger Juan ng Barangay Talipapa sa distribution.
Maraming salamat, PhilHealth sa inyong suporta para sa kalusugan ng mga QCitizen!