Free Health Consultation para sa lahat ng PhilHealth members!
Ang PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) ay ang pinalawak na primary care benefit program ng Philippine Health Insurance Corporation upang magkaroon ng sapat, dekalidad, at abot-kayang serbisyong medikal ang bawat Pilipino sa ilalim ng Universal Health Care Law.
Ang makukuha ng mga miyembro ng PhilHealth sa Konsulta Benefit Package ay ang mga sumusunod:
Health risk screening at assessment
Mga piling laboratory at diagnostic test
Mga piling gamot
Sa mga nais mag-rehistro at makakuha ng #PhilHealthKonsulta Package, panoorin ang tutorial video rito: https://fb.watch/mJb4C_l1C0/
Narito ang listahan ng accredited na PhilHealth Konsulta Providers: https://www.philhealth.gov.ph/…/provi…/institutional/map
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa kanilang social media accounts:
• Facebook: https://www.facebook.com/PhilHealthOfficial
• Website: https://www.philhealth.gov.ph
Maaari rin kayong magpadala ng mensahe sa mga sumusunod:
• PhilHealth Callback Channel: 0917-898-7442
• PhilHealth Action Center email address: actioncenter@philhealth.gov.ph
Maaari ring tumawag sa PhilHealth 24/7 Corporate Action Center Hotline: (02) 8441-7442 o bumisita sa pinakamalapit na PhilHealth Branch o sa PhilHealth Local Health Insurance Office sa inyong lugar.