Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buwan ng Hulyo bilang “Philippine Agriculturists’ Month” sa bisa ng Proclamation No. 544 s. 2024.
Layon nitong kilalanin ang kontribusyon ng mga agrikulturista at ipagmalaki ang mahalagang papel ng sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng ating bansa.