Binigyan ng Special Citation on Gender Mainstreaming in Women’s Economic Empowerment Sector ng Philippine Commission on Women at National Anti-Poverty Commission ang Tinahan ni Ate Joy Program ng Quezon City Government na nagbibigay ng kakayahan sa mga kababaihan na magkaroon ng maayos na kabuhayan.
Sa ika-10 taon ng programang ito, umabot na sa mahigit 5,000 ang natulungan, na karamihan ay home-bound mothers, solo parents, survivors of violence and abuse, at mga kabiyak ng drug dependents na sumasailalim sa treatment sa ating community rehabilitation centers

You must be logged in to post a comment.