Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga tauhan ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa kanilang monitoring and evaluation visit sa Lungsod Quezon.

Ayon sa Alkalde, nais ng lokal na pamahalaan na bawat distrito sa lungsod ay magkaroon ng treatment hubs, patuloy na ipatindi sa mga QCitizens ang isyu ng HIV/AIDS para mawala ang stigma ukol dito, data banks para sa mga biktima ng karahasan, at ang pagpapasa ng mga ordinansang magbibigay proteksyon sa bawat QCitizen.

Sa naganap na pulong, iprinisinta ni Gender and Development (GAD) TWG head Janete Oviedo ang QC Protection Center.

Si Dr. Rolando V Cruz, head ng City Epidemiology and Surveillance Unit, ang nagbigay naman ng paliwanag tungkol sa QC Social Hygiene and Sundown Clinics.

Ngayong araw din ay bibisitahin ng PCW ang QCPC at Social Hygeiene and Sundown clinics.

+11