Nakipagdayalogo ang Philippine Competition Commission (PCC) sa Quezon City Government para talakayin ang mandato, mga programa, at serbisyo ng kanilang ahensya.

Naitatag noong 2016 sa bisa ng Philippine Competition Act, ang PCC ang nagsisigurong tama at patas ang kompetisyon sa merkado, at nagtitiyak ng kapakanan ng mga negosyo na para rin sa benepisyo ng mga konsumer.

Ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte kay PCC Chairperson Michael Aguinaldo ang suporta ng lungsod, para ma-protektahan ang kapakanan ng mga negosyante at QCitizen.

Kasama rin sa pulong sina PCC Commissioner Marah Victoria Querol, Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, City Administrator Michael Alimurung, Coun. Irene Belmonte, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Aly Medalla, at mga department head.

+16