Bilang pagdiriwang sa Philippine Councilors’ Week 2026, binisita ng mga miyembro ng Quezon City Council ang Kabahagi Center for Children with Disabilities sa Barangay Sauyo sa District 6.
May mga aktibidad na hinanda para sa mga bata, kagaya ng palarong pinoy at mini lecture na Kilalanin, Hangaan, Ibahagi: Ang Aking Bayani!
Matapos nito, naging katuwang ng Scholars of Sustenance (SOS) ang mga konsehal sa kanilang pagbisita sa Better World Diliman upang tumulong sa paghahanda ng pagkain para sa Katutubo Center sa Barangay Holy Spirit Social Center.
Pinangunahan ng Tanggapan ni Majority Floor Leader Aly Medalla, Philippine Councilors League – NCR Chapter President Councilor Wency Lagumbay at Office of the Vice Mayor ang mga aktibidad.
Dumalo sa pagbisita sina Councilors Doc Ellie Juan, Vito Sotto Generoso, TJ Calalay, Atty. Tope Liquigan, Charm Ferrer, Shay Liban, Kristine Matias, Wency Lagumbay, Candy Medina, Chuckie Antonio, Bong Liban, Nikki Crisologo, Bernard Herrera at Atty. Migs Suntay.










