PHILIPPINE EAGLE, QCITIZEN NA! ![]()
![]()
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa kick-off celebration ng Philippine Eagle Week na pinangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center (NAPWC).
Sa programa, binigyang-pagkilala ang pinakamatandang Philippine Eagle na nasa captivity na si Girlie.
Na-rescue ang agila sa Bukidnon noong 1984 nang mabaril ito at maapektuhan ang kanyang mata. Noong 2009, ganap nang nanirahan sa lungsod ang agila sa pangangalaga ng NAPWC.
Hinirang si Girlie bilang isang QCitizen at binigyan ng QCID na senior citizen at PWD dahil sa edad niyang 45 avian age at physical impairment.
Nakibahagi sa programa sina Czech Ambassador Karel Hejč, DENR Usec. Atty. Ernesto Adobo Jr., Asec. Hiro Masuda, DENR-BMB Assistant Director Mariglo Rosaida Laririt, Philippine Eagle Foundation (PEF) Chairperson Felicia Atienza, Kuya Kim Atienza, Dr. Jayson Ibanez at Dennis Salvador mula sa PEF, Philippine Fauna Art Society Founder Bing Famoso, Tomas Rosales Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Councilor Vito Generoso, at Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman.










