QCitizens, magkaisa tayo sa pangangalaga sa ating kapaligiran ngayong Philippine Environment Month.
Alinsunod ito sa Presidential Proclamation No. 237 s. 1988 na layong palawakin ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng pagprotekta sa kalikasan.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Ending Global Plastic Pollution”.
Kaisa ang Quezon City Government sa pagsusulong ng mga adbokasiya, at programa upang mabawasan ang plastic pollution sa lungsod. Kabilang dito ang city-wide plastic bag ban, single-use plastics ban, Trash to Cashback, at Vote to Tote.
Itinanghal rin si Mayor Joy Belmonte bilang isa sa Champions of the Earth ng UN Environment Programme noong 2023 dahil sa kanyang pangunguna sa mga polisiya at programa ng QC na tumutugon sa climate crisis.
