Malapit nang maging PhilHealth YAKAP members ang mga persons deprived of liberty (PDL)!
Bumisita si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Acting President at CEO Dr. Beverly Lorraine Ho sa QC Female Dormitory para alamin kung paano kinakalinga ng lungsod ang mga PDL.
Sa ilalim ng No Woman Left Behind Program ng QC Government, nakakatanggap ang mga kababaihang PDL ng libreng healthcare at laboratory services at iba-ibang serbisyong pangkabuhayan para palakasin ang kanilang kakayahan, kumpiyansa, at dignidad.
Katuwang naman ang QC Government, ie-enroll sa PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan) Program ang mga PDL para magkaroon ng access sa mas malawak na serbisyong pangmedikal. Bukod sa healthcare services, magkakaroon na rin sila ng libreng cancer screening, at makakatanggap ng gamot.
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ng mga opisyal ng PhilHealth, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, SPARK! Philippines, QCPD, at QC Female Dormitory.










