Ngayong Pebrero, ipinagdiriwang natin ang Philippine Heart Month.
Alinsunod ito sa Presidential Proclamation No. 1096 na pinagtibay noong 1973 upang itaas ang kamalayan ng mga Pilipino sa iba-ibang komplikasyon sa puso at mapaigting ang kampanya kung paano alagaan ito.
Alagaan natin ang ating mga puso sa pamamagitan ng wastong pagkain, regular na ehersisyo, at positibong pamumuhay.
