Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QCitizens, kumusta ang inyong mga puso? ![]()
Ngayong Pebrero, hindi lamang Valentine’s Day ang ipinagdiriwang—ginugunita din ang Philippine Heart Month, alinsunod sa Proclamation No. 1096, s. 1973.
Layon nitong itaas ang kamalayan ng bawat Pilipino tungkol sa iba-ibang komplikasyon sa puso at pagtibayin ang kampanya kung paano ito alagaan.
Kaya naman, sa pamamagitan ng wastong pagkain, regular na ehersisyo, at positibong pamumuhay, pangangalagaan natin ang ating mga puso!






