Pinarangalan ang dalawang pampublikong ospital sa ating lungsod bilang Most Outstanding Hospitals sa ginanap na Philippine Hospital Association 74th Annual National Convention and Exhibits.

Kinilala ang Quezon City General Hospital bilang Most Outstanding Hospital- 1st runner up sa level 3 category. Ito rin ang ikatlong taon na nakamit ng ospital ang kaparehong parangal.

Iginawad naman sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang Most Outstanding Hospital – 1st runner up para sa level 2 category.

Personal na tinanggap nina Dr. Josephine Sabando ng QCGH at Dr. Richard Cabotage ng RMBGH ang mga parangal.

+3