Nagsagawa ng site visit ang mga kinatawan ng Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) kasama ang mga Civil Engineering students mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa Quezon Memorial Circle (QMC) at sa Quezon City Meeting, Incentives, Conferences, and Exhibitions (MICE) Center bilang bahagi ng 24th National Civil Engineering Students’ Conference.
Pinuntahan ang mga ongoing projects ng redevelopment ng QMC, sa pangunguna nina Atty. Dale Perral, City Engineer at PICE Treasurer; Engr. Aure Flo Oraya ng PICE Student Affairs Committee; Engr. Robinson Salenga; kasama ang iba pang PICE officers at kawani ng Department of Engineering.
Bilang bahagi rin ng conference, mahigit 60 Civil Engineering students mula sa iba’t ibang universities ang nag-tour sa QMC at MICE Center upang matutunan ang mga green and sustainable construction initiatives ng lungsod.
Patuloy na makikipag-tulungan ang Quezon City sa mga professional organizations tulad ng PICE upang matiyak na ang infrastructure development ng Lungsod ay ligtas, sustainable, at nakaayon sa modern standards.








