Nagtipon-tipon ang mga alkalde mula sa iba-ibang lungsod at munisipalidad sa bansa sa ginanap na Philippine Mayors’ Forum.

Dito ay hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lokal na punong ehekutibo na magkaroon ng international partnerships sa iba- ibang bansa para matuto ng mga makabago at epektibong paraan sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko.

Binigyang-diin ni PBBM ang papel ng naturang forum sa pagpapalakas ng kakayahan ng lokal na pamahalaan. Sinabi rin ng Pangulo na ito ay nagbibigay ng plataporma sa mga LGU na mag-ambag sa socio-economic agenda ng bansa.

Source: Presidential Communications Office

+13