Kinilala ng Philippine Mental Health Association, Inc. ang pamahalaang lungsod dahil sa pagsulong ng mga mental health programs para sa QCitizens.
Tinanggap nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez ang Hall of Fame plaque mula sa PMHA kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Nangunguna ang pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mental health programs sa tulong ng pinaigting na Quezon City Mental Health Code of 2022.
Kaugnay nito, ginugunita rin tuwing ikalawang linggo ng Oktubre ang National Mental Health Week alinsunod sa Presidential Proclamation No. 452 s. 1994.