Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa Philippine National Police Officers’ Ladies Club (PNP OLC) Foundation Inc., upang muling mabuksan ang Child Development Center sa loob ng Camp Crame.

Nag-courtesy call kay Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng PNP OLC sa pangunguna nina adviser Mary Rose P. Marbil at president Leilani Salem-Alba upang talakayin ang proyekto.

Bumisita rin ang PNP OLC officers sa Arugaan and Yakap Day Care Center ng Social Services Development Department sa City Hall.

+13