Umabot sa 2,500 QCitizens ang nakatanggap ng bigas at noodles mula sa Philstar Operation Damayan ng The Philippine Star at Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce in Industry Inc.
Ang mga naging benepisyaryo ay galing sa Brgy. Damayang Lagi, Brgy. Roxas, Brgy. Tatalon, Brgy. Kalusugan, at Brgy. Kristong Hari.
Sila ay mga residente ng lungsod na naapektuhan ng bagyong Carina at habagat.