Maraming salamat sa Pilipinas Shell Corporation at Makati Business Club sa ibinigay nilang 24 bicycle racks sa Quezon City!

Malugod na tinanggap nina Assistant City Administrator Alberto Kimpo at Green Transport Office division chief Corazon Medes ang mga donasyon mula kina Pilipinas Shell Corporation Vice President for Corporate Relations Serge Bernal, at Makati Business Club Executive Director Coco Alcuaz.

Ang mga natanggap na bike rack ay ilalagay sa Quezon City University, Quezon Memorial Circle, at Amoranto Sports Complex.

Sa kasalukuyan, nakapag-deploy na ang lokal na pamahalaan ng bike racks sa ilang paaralan, palengke, at iba pang pampublikong lugar para mas maisulong ang active transport sa mga QCitizen.

+11