Aabot sa 300 kabataang QCitizens mula sa Sangguniang Kabataan at youth organizations ang dumalo sa “Wais sa Kalinisan” program ng Pilipino Star Ngayon.

Ibinahagi sa mga kabataan kung paano sila makakatulong sa lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa pag-iwas sa fast fashion o pagbili ng damit na nakakadagdag sa textile waste.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Mayor Joy Belmonte ang mga kalahok na makibahagi sa Kilo/s Kyusi program ng lungsod. Sa Kilo/s Kyusi program, ang mga pre-loved na damit ay muling ibinebenta sa mga QCitizen. Ang malilikom na benta rito ay ilalaan sa QC Learning Recovery program.

Nakiisa rin sa programa sina Coun. Vito Sotto, PhilStar Media Group Executive Vice President Lucien Dy Tioco, Pilipino Star Ngayon Edna Abong, at mga department head.

+11