Nakipagtagisan sa pasarapan ng luto ang mga QCitizens sa isinagawang BBQ Sauce and Garnishing Cook-Off sa Quezon Memorial Circle bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-83 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod Quezon.
Sampung pares mula sa sampung barangay ang lumahok sa cooking showdown kung saan kailangan silang gumawa ng kanilang orihinal na BBQ sauce.
Hindi rin nagpahuli ang mga Muslim nating QCitizens sa pasarapan ng luto sa Halal Main Dish Competition. Lumahok sa cook-off ang 10 teams mula sa ating Bangsamoro community kung saan ibinida nila ang mga putaheng ginamitan ng Halal-certified ingredients.
Bukod sa cooking showdown, bahagi rin ng Pista sa Kyusi ngayong araw ang Interdepartmental Dance Competition, Art-on-Bench Painting Contest, MIQC, Maginhawa & Muslim Art and Craft Bazaar, Muslim Cultural Show (hatid ng QC Bangsamoro Affairs Services), QCSB Online Students Concert, at Urban Sketcher: Sketchfest.