Nagpasiklaban sa sayawan ang mga kawani at mga opisyal ng iba-ibang departamento ng Quezon City Hall sa interdepartmental dance competition na idinaos sa Quezon Memorial Circle bilang bahagi ng pagdiriwang ng 83rd Founding Anniversary ng Quezon City.

Sa 19 departamento na lumahok, nasungkit ng Bureau of Fire Protection – QC Fire District ang first place at nakatanggap ng P50,000, 2nd place at P30,000 naman ang natanggap ng Office of the Secretary to the Sangguniang Panlusod, at third place ang City Assessor’s Office na nabigyan ng P20,000.

Dumalo sa patimpalak si Mayor Joy Belmonte kasama ang ilang opisyal ng mga departamento.

Nanood din ang mga QCitizen ng libreng concert na handog ng lungsod.

Nagsilbing mga hurado sa dance competition ang mga celebrity influencers na sina Austin Ong, Setrick Silvestre, Ara Asikot, at Lynda Yuvienco.