Dumalo bilang speaker si Mayor Joy Belmonte sa taunang Planning & Leadership Summit ng Real Estate Brokers Association of the Philippines (REBAP) sa QCX Business Center ngayong araw.
Iniyahag ng alkalde ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang maging digitalize ang mga proseso at serbisyo ng City Hall gamit ang QC E-services.
Binabati ng Quezon City Goverment ang REBAP para sa kanilang ika-46 na anibersaryo ngayong taon. Hangad ni Mayor Joy na magpatuloy ang inyong kontribusyon sa kaunlaran ng real estate industry sa bansa.
Dumalo rin sa programa sina former Councilor Bobby Castelo, Housing Community Development and Resettlement Department OIC Atty. Jojo Conejero, at mga opisyal ng REBAP na sina National President Mary Madlangbayan, National Chairman Elvis Saligumba, National Vice President Carla Calleja, Secretary General Aileen Morales, at Past National President and Chairman Emily Duterte.