Ginawaran ng plaque of recognition ng Philippine Cancer Society (PCS) sina Mayor Joy Belmonte, Coun. Alfred Vargas, at ang Quezon City Health Department (QCHD) bilang miyembro ng Philippine Cancer Society Cancer Action Network (PCS CAN).

Layon ng PCS at ng mga miyembro nito na makapagbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa cancer, labanan ang pagkalat ng sakit, at makapagbigay ng kaginhawaan sa cancer patients.

Tinanggap nina Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay at Dr. Karen See ang plaque of recognition bilang kinatawan ni Mayor Joy at ng QCHD.

Personal namang dumalo si Coun. Alfred Vargas upang tanggapin ang pagkilala.

+5