QC OpenGov
Kaisa na ng Open Government Partnership ang Quezon City Government tungo sa pagsulong ng gobyernong tapat at may pananagutan.
Ang OGP ay isang organisasyon na binubuo ng iba’t ibang pampubliko at pribadong ahensya na may layon na paigtingin ang paggamit ng makabagong teknolohiya at aktibong partisipasyon ng mga mamamayan.
Tinanggap nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at City Administrator Michael Alimurung ang pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government – Support for the Local Governance Program (SLGP).