Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa PlastiCon 2025 na inorganisa ng University of the Philippines – Diliman, Marine Science Institute (MSI).
Pinagtipon ng PlastiCon 2025 ang mga siyentipiko, environmental advocates, at alagad ng sining upang talakayin ang mga epekto ng polusyon sa plastik at tuklasin ang mga solusyon para sa pangangalaga ng kalikasan.
Tampok sa kumperensya ang mga likhang sining mula sa iba-ibang artist na layong pukawin ang kamalayan sa patuloy na pagkasira ng kalikasan dulot ng plastic waste.
Pinangunahan ang aktibidad ni MSI Director Dr. Laura David, kasama ang mga kinatawan mula sa Holcim Philippines at iba-ibang civil society organizations.




