Muling bumida ang mga eco-friendly at proudly original product ng Quezon City sa ginanap na POP QC Eco Bazaar 2024 sa Farmers’ Plaza Activity Center.

Isa sa mga itinampok dito ay ang closed erranium plants o Eco Bote na gawa ng mga miyembro ng Persons with Disablity (PWD), out of school youth, at mga magulang ng PWD children.

Kaisa rin sa Eco Bote project ang Public Employment Service Office sa pakikipagtulungan ng Benguet State University, Joy of Urban Farming, Kabahagi Center for Children with Disabilities, Persons with Disability Affairs Office, at Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.