QCitizens, tara na’t tangkilikin ang POP QC Summer Food Bazaar!
Iba-ibang pagkain na gawa at luto ng QC-based small businesses ang tampok sa POP QC Summer Food Bazzar.
Binisita ni Mayor Joy ang bazaar, at inanyayahan ang mga QCitizen na magtungo sa QC Hall para tikman ang mga mura at masasarap na pagkain, at masuportahan ang paglago ng small businesses sa lungsod.
Bukas ang Summer Food Bazaar tuwing Huwebes at Biyernes sa buwan ng Hunyo mula 8AM hanggang 5PM.