Iba-ibang proudly original products ng mga kababaihang negosyante ang tampok sa POP QC Women’s Month Fair.
Mabibili sa bazaar ang mga murang pagkain, abot-kayang inumin, at accessories.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Aly Medalla, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, at QC Ladies Foundation Inc ang ribbon-cutting ceremony ng bazaar ngayong umaga.
Bukas ang POP QC Women’s Month Fair sa Gate 2 Pathwalk ng Quezon City Hall hanggang March 7, mula 7AM hanggang 6PM.




