Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Binuksan na ang POP UP PAYATAS 2026: Youth Market Expo sa Barangay Payatas, isang youth entrepreneurship at livelihood initiative hatid ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Payatas para sa mga kabataang negosyante.
Tampok dito ang mga nagsasarapang pagkain at locally produced products mula sa mga young entrepreneur.
Matatagpuan ang Youth Market Expo sa bahagi ng Sto. Niño Street at San Lucas Street, Barangay Payatas at bukas sa mga sumusunod na araw:
September 25 – 27, 2026
12:00 PM – 12:00 AM
September 30 – October 4, 2026
12:00 PM – 12:00 AM
Tara na QCitizens at suportahan ang ating mga kabataang entrepreneur. Mag-foodtrip at mamili na sa POP UP PAYATAS 2026: Youth Market Expo! ![]()










