Support local pork, support Filipino farmers! ![]()
![]()
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte kasama sina Department of Agriculture Secretary Kiko Tiu Laurel at National Federation of Hog Farmers, Inc. (NFHFI) Chairperson Chester Tan sa Porklabanan: The Great Pinoy Pork Culinary Wars bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hog Festival 2026.
Nagtagisan ng husay sa pagluluto ang mga student chef mula sa Far Eastern University, De La Salle–College of Saint Benilde Antipolo, Our Lady of Fatima University–Quezon City, at Lyceum of the Philippines University–Manila sa paglikha ng mga natatanging putahe gamit ang lokal na karneng baboy.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, kinilala ang Far Eastern University bilang Silver Spoon Awardee at ang Our Lady of Fatima University–Quezon City bilang Golden Spoon Awardee.
Kasama rin sa paggabay ang mga batikang chef na sina Chef Rolando Laudico, Chef Steve Ma, Chef King Cabel, Chef Athena Tuble, at Chef Rhenner Alair, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa mga kalahok.
Halina’t suportahan ang mga lokal na produkto at palakasin ang kabuhayan ng mga hog raisers at magsasaka.










