Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang post-response meeting ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) upang suriin ang naging pagtugon ng Lungsod sa epekto ng nagdaang #HabagatPH.
Tinalakay ang mga hakbang sa disaster response at mitigation, kabilang ang mga flood control projects na nakatulong sa mas mabilis na paghupa ng tubig at nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga evacuee.
Makikita sa aktwal na obserbasyon ang mabilis na paghupa ng baha sa G. Araneta Avenue, sa tulong ng mga detention basin.:
https://www.facebook.com/share/v/19bAUD99G2









