Bukas na ang Potovanje/Paglalakbay: Two Women World Travellers in the 1920s: Alma Karin of Slovenia and Paz Guazon of the Philippines Exhibit sa Tandang Sora Women’s Museum!
Tampok sa exhibit ang kuwento nina Alma Karlin ng Slovenia at Paz Guazon ng Pilipinas, na naglakbay sa iba-ibang bansa noong 1920s—panahong ipinaglalaban pa ng mga kababaihan ang kanilang mga karapatan at pantay na pagkilala sa lipunan.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Ambassador of the Republic of Slovenia to the Philippines Her Excellency Smiljana Knez ang ceremonial ribbon-untying ng exhibit, kasama sina National Archives of the Philippines Executive Director Victorino Mapa Manalo at kinatawan ng iba-ibang ahensya at organisasyon.
Makikita ang exhibit sa Tandang Sora Women’s Museum sa Banlat road, Quezon City hanggang Enero 2027.
Bago ang pagbubukas ng exhibit, nagkaroon ng roundtable discussion tungkol sa kahalagahan ng paglalakbay nina Karin at Guazon, na dinaluhan din ng mga mag-aaral mula sa iba-ibang institusyon.










