Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagtipon-tipon ang mga babaeng lider ng iba-ibang organisasyon sa lungsod, sa ginanap na PowerHER: LeadHERship in Governance program ng Quezon City Government.
Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga grupo, na karamihan ay pinamumunuan ng mga babae, na naging susi sa pagiging progresibo ng Quezon City.
Hinimok din ng alkalde ang mga lider na ipagpatuloy ang laban ng mga kababaihan, para tuluyan nang makamit ang pagbabago at pagkakapantay-pantay, at matuldukan ang pang-aabuso sa mga kababaihan.
Kaugnay nito, nanumpa ang mga kalahok bilang patunay ng kanilang commitment sa pagsusulong ng isang progresibo, inklusibo, at bukas na komunidad para sa lahat.










