Preemptive Evacuation in Quezon City as of 2:56 PM | July 21, 2025
Kasunod ng pagtaas ng tubig sa mga dam, ilog at daang-tubig sa lungsod, nagsimula na ang preemptive evacuation sa mga apektadong barangay.
Nagpadala na ng mga emergency rescue teams ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), District Action Offices, Philippine Red Cross at mga barangay sa mga apektadong lugar upang tumulong sa paglilikas at pagtiyak ng kaligtasan ng mga residente.
Hinihikayat rin ang ibang barangay na wala sa listahan PERO may mga lugar ding binabaha o may banta ng landslide na magsagawa rin ng PREEMPTIVE EVACUATION.
Para sa anumang emergency, tumawag sa HELPLINE 122.


