Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng preemptive evacuation sa ilang barangay sa Quezon City bilang paghahanda sa epekto ng #HabagatPH, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha.
Kabilang sa mga nagsagawa ng paglikas ang Barangay Talayan, Damayang Lagi, Pinagkaisahan, Kalusugan, Manresa, at Kristong Hari.
Patuloy ang koordinasyon ng QCDRRMD at mga barangay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng masamang panahon.
Para sa emergency, tumawag sa QC Helpline 122.










