Bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng Super Bagyong #PepitoPH sa Lungsod Quezon, agad na nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga flood-prone areas sa ilang barangay sa QC ang mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Sama-sama ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Department of Public Order and Safety, Traffic and Transport Management Department, at barangay staff sa pagpapaalala sa mga QCitizen.

Kabilang sa kanilang pinuntahan ang mga barangay ng Masambong, Del Monte, Sto. Domingo, Talayan, Damayan, Mariblo, Bagong Silangan, Tatalon, Damayang Lagi, Roxas, at Apolonio Samson.

+14