Pinuntahan ng QC Disaster Risk Reduction ang Management Office – Urban Search and Rescue Team ang ilang bahagi ng Barangay Bagong Silangan upang magsagawa ng preemptive evacuation lalo na sa mga low-lying areas ng barangay.
Hinikayat ng mga kawani ng QCDRRMO, kasama ang mga kinatawan ng barangay, ang ilang residente na agad na lumikas at pansamantalang manatili sa evacuation centers para masiguro ang kanilang kaligtasan mula sa banta ng Super Typhoon Pepito.
Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Metro Manila at patuloy na makararanas ng pabugso-bugsong mahina hanggang katamtamang lakas ng pag-ulan sa Quezon City.
Para sa emergency, maaaring tumawag sa QC Helpline 122.
Stay safe, QCitizens!